Sunday 3 August 2014

Makapagtanong nga? Oh. wait..

Kwentong Highblood Ang Pagbabalik


Oh well papel, I'm back palakpak, i'm here my dear! 
At pagtapos ng corny na entrance message na yan e ayunnnnnnnnnn na nga.


So anong topic nanaman ang tatalakayin ko ngayon? 

Ehhhhhhhh.. Eto ang part 2 ng Kwentong Pagtatanong!!!!
Dun dun duuuuuuuuuuuuuuuuuuun!!!


So ano naman ang pag-uusapan pagtatanong na yan?

Well, ang tao kasi ay may isip na dapat gamitin at may ilang di nakalistang
alituntunin na ginagamitan lang ng common sense (na hindi masyadong common) para malaman.


photo credit: susy ♥ via photopin cc


Let's Give some examples:



1.Magkano naman sahod mo?

Super common na tanong na ito, pwede itanong kung may tamang dahilan.Ngunit may nagtatanong lang talaga upang magkumpara at may maishare lang na impormasyon sa ibang mga kakilala. Pagkatapos makuha ang sagot ay minsan sinasabi ang sariling SAHOD o kinikitang PERA. E ano ngayon? Nagtatanong kami? Tingin ka salamin tapos yun na lang yabangan mo. Kung gusto mong patunayan na nakakaangat ka sa iba eh umakyat sa bubong ng bahay,then stay there. Sigurado nakakaangat ka, titingalain ka pa.


2. Buntis ka na? Nataba ka ah, may baby na? Eh bakit itatanong? Midwife ka? Ikaw magpapaanak? Gusto mo ikaw mag-alaga sa baby? Kaw tatayong magulang? Hindi dapat ito tinatanong, sila ang kusa magsasabi kung may baby na. Wag chismoso/chismosa.


3. Nakakuha ka na ng trabaho? 

Depende ang paggamit sa tanong. Ito ay situational at pwedeng makatulong o kaya naman ay makapagpainit ng ulo. Kung unang beses ng pagtatanong ay ok lang, at kung may mairerefer na trabaho ay mas ok (salamat in advance). Ang mahirap ay kung bawat pagkikita nyo ay magtatanong at makikibalita. Magsasabi sila kung may work na. Makakasakit ka ng damdamin ng hindi mo inaasahan dahil di ka marunong mag-isip bago magsalita (hindi lahat ng tao ay insensitive tulad ng iyong pagtatanong. Kung di maintindihan ang word na insensitive please use google and type "Define insensitive", at kung di makaintindi ng ingles ay i-google translate, kung hindi pa rin alam ang google translate ay tumawag sa emergency number ng bansa kung saan ka naroroon at dun ka humingi ng tulong).


4. Ang tanda mo na wala ka pa ring GF/BF?

Tandaan hindi rin nakakatulong ang biro/tanong na ito. Daig mo pa ang showbiz central at ang startalk sa pagsagap ng chismis. Hindi natin concern kung bakit wala pang natatagpuang pag-ibig ang isang tao. Isipin na baka ikaw din ang dahilan kung bakit sila iniiwasan ng mga potensyal na manliligaw/liligawan (onting dikit lang kasi dami mo na chismis na sinasabi at kinakalat).


5. Mukha yatang tumaba ka ah?

Kung sakin sasabihin ay ok lang. Ibig sabihin ay may pambili ako ng pagkain at tamad ako mag-exercise, at pinili kong maging cute and cuddly at hindi pogi dahil ipinaubaya ko na sa kapatid kong artistahin ang salitang yon. Pero kidding aside, kung sa iba sasabihin at lalo na sa babae, isipin muna kung masasaktan sila or macoconscious sa sinabi mo. Tingin mo hindi nila alam na nadadagdagan ang timbang nila? Wala silang salamin? Timbangan ka ba? Paapak nga.


6. Miss/Misis ilang taon ka na?

Hindi lang talaga tinatanong ang isang babae ng kanyang edad (lalo na kung medyo matanda na ito). See common sense and good manners sa dictionary. Kung magdadahilan pa at kung makulit talaga e sa anong kadahilanan ba? Survey lang? Sige itanong mo edad ng lahat ng babae sa area nyo.


7. May pera ka naman ah, bakit di ka bumili ng bagong Cellphone/TV/Kotse/Gamit?

Unang una pera nila yon, sila ang magtatanong sayo kung bibili na sila at hihingi ng opinyon. Pangalawa, hindi mo alam ang gastusin nila sa bahay. Kailangan mo ng breakdown  ng expenses nila? Tutulong ka para makaluwag-luwag naman sila? Kung marami kang pera at sasabihin mo lang na ikaw din ay bibili na eh kunin mo ang e-mail address/contact number ng isa sa mga mayayaman sa bansa at dun ka makipagyabangan or mas mabuti eh bilhan mo na lang yung niyayabangan mo at baka matuwa pa sya sayo.

Tandaan din natin na pwede naman magtanong, wag lang paulit- ulit, dahil kahit anong tanong man yan nakakaiinis man o hindi ay nakakatamad na sagutin kung parehas na tanong at parehas na sagot lang din naman ang makukuha. (Diretsahin na kung may gusto talagang palabasin o malaman). 

Think before you post, speak, make a joke. Kahit saan!
OKIES!


Ayan Good Good
photo credit: striatic via photopin cc


Salamat sa pagbisita at sa muling pagkikita ng blog ko at ng mga mata mo. Babay!