Tuesday 1 October 2013

Kwentong Pagtatanong

At ako'y nabuhay pagkatapos ng aking matagal na pagkawala. Hindi po ako naospital dahil sa taas ng dugo ko, at hindi rin ako napaaway ng matindi sa mga kampon ng kadiliman na mula sa ilalim ng lupa, papunta sa lupa o mukhang lupa. At dahil panggabi ako ngayon ay siguro naman magkakaroon ako ng oras para malagyan ng bagong mga nilalaman ang BLOG na ito.. 

At ngayon magsisimula na tayo sa isa sa mga pangyayaring kinaiinisan ko ng maigi. Ang pagtatanong ng ibang tao. Bakit? Ok lang naman magtanong, at kahit ilang beses mo ako tanungin ay hindi naman ako magagalit, dahil masaya magbigay ng impormasyon at pareho tayong natututo. Eh ano ang kinatataas ng dugo ko? 

Kasi...

Magtatanong ang taong ito ng isang bagay, tapos sasagutin ko, at biglang magsasabi ng "Oh hindi nga? Eto naman  ang gagawin/pupuntahan/totoong dahilan mo eh". 


nakakatampo kaya
photo credit: Ed Yourdon via photopin cc

Oh kay sarap sumagot sa ganyang tao. Magtatanong sya tapos hindi tatanggapin ang sagot mo at magbibigay pa ng sariling sagot. Hindi ko alam kung nang aasar ba ito oh sadyang PSYCHIC sya na nakakakuha sya ng mga sagot na kahit ang taong tinatanong nya ay hindi alam na ganun pala ang gagawin nya. 

Ang pagkakaintindi ko sa proseso ng pagtatanong ay syempre "Magtatanong ka ng isang bagay" tapos "sasagutin ka ng tinanong mo" at tatanggapin mo iyon dahil sinagot nya ng maayos ang bagay na gusto mo malaman.EH BAKIT AYAW PA TANGGAPIN? Kelangan pa ba ng katibayan para makuha ang gustong sagot? Hindi naman ako 

nagsinungaling (ATA). Kailangan ba ng video documentary para katibayan na totoo ang sagot na binigay ko? (tulad ng "anong kinain mo kagabi?"karekare po, eto nga yung tuwalya oh nakaplastic para sure at maniwala ka, baka gusto mo na rin tikman at baka adobo pa yan at nagpapanggap na kulay karekare lang).

Nakakainis ito dahil bakit kailangan pang magtanong kung may sagot na ang isip mo. Kung iba ang binigay na sagot ng tinanong mo eh tanggapin mo na lang at wag mo nang ipaglaban ang nais mong malaman o makuhang sagot, eh nagtanong ka pa. 

Kaya mga kaibigan, may natutunan nanaman tayo kung paano ako pakisamahan at marahil ang karamihan ng mga taong ganito ang nararanasang pagsubok sa buhay. Mahirap ngunit kailangang tiisin para sa kapakanan ng nakakaraming naghihirap at pulubing nais tulungan ng pamahalaan nating isinisilid ang perang pinaghihirapan nating ipunin at wala nang sense itong huling talata na sinusulat ko pero binabasa mo parin at baka may maihahabol pa ako, pero wala na kaya salamat at hanggang dito ay nagbabasa ka pa rin.. 

ayan pusa, wag ka na magtampo ha :D
photo credit: Andrea Marutti via photopin cc

SALAMAT ULI SA PAGBABASA!
^_^

Friday 6 September 2013

Kwentong Office

Unang Yugto (at may mga susunod pa)

Dadako naman tayo sa lugar kung saan ako nagtatrabaho! Syempre di nating maiiwasan ang reklamo sa ibang tao talaga, at di rin natin mapi-please lahat ng tao, pero minsan talaga ay medyo nakakataas na ng dugo.
Ang ganda ng building no. Wala dito Office kung saan ako nagtatrabaho
photo credit: swisscan via photopin cc
Ang una nating tatalakayin ay tungkol kay mister "Pogi" (pero pwedeng hindi lang siya isang tao, per yun na tawag natin ok). Bakit Mister pogi? Tahimik lang naman sya kapag mag-isa, "busy" sa pagtatrabaho, minsan busy sa pagsilip sa facebook, minsan naman ay nagbobrowse lang sa internet. Eh wala naman pala siyang ginagawa, bat mister pogi ang tawag? DAHIL hindi pa dumadating ang mga katrabaho na BABAE. TAMA! Sila ang nagsisimula (kahit di nila sadya) ng kanyang transformation. 

Ang tahimik na taong ito ay biglang mag-iingay, lalapit sa ibang katrabaho at magpapasikat bigla. Nakita mo na ba yung ginawa ko dito sa (insert kahit ano basta makapagyabang lang), at lalakasan nya ang boses nya para marinig ng lahat lalo na ni girlush. Minsan naman ay biglang magbibiro sya at pipiliting magpatawa (na ang makakakuha lang ay sya) ngunit kelangan talagang tumawa ng ibang tao para hindi sya mapahiya (at minsan ay wala talagang reaksyon). 

Hindi ko alam kung bakit kelangang magpasikat bigla sa babae. Dahil ba gusto nya ng star para madisplay sa dingding ng bahay nila (Pre-School ang peg)? Dahil gusto nya yung girl at baka magkagusto sa kanya kahit onti? O nakakapagpaboost ng self-confidence pag pinansin sya ng mga tao? O trip nyang magpatawa lang talaga at nagdadasal na makuhanan ng CCTV upang maipasa sa mga Talent Scouts at nagbabakasakaling madiscover sya (lalo na ngayon at baka mawalan ng partner si Jose ng Eat Bulaga)? Oh lumaki syang hindi pinapansin ng magulang kaya sa trabaho sya pilit na kumukuha ng atensyon? O nagpapraktis syang mag-punchline para magresign at mag-apply na lang sa comedy bar? 

Kay daming katanungan ngunit ang hirap sagutin. Ang hirap pag-isipan at kahit siguro itanong natin sa manghuhula ay baka ibalik na lang nila ang pera na binayad dahil sa sakit ng ulo sa makikita nila tungkol sa taong ito (tandaan pwedeng marami sila). 

Pero naririnig ko ay cute naman siya/sila kapag tulog, kaya sana ay matulog na lang talaga sila ng matagal as in matagal (pero joke lang, bad yun) at dito muna natin tatapusin (pansamantala) ang sulating ito.

--------Kwentong Office Part 1 Ends Here-----------
Maiba lang ang ending ng post na to

Kwento Jeepney Again Again Again

Extended na Yugto

Eh meron pang isang yugto, tiis tiis na lang tayo mga kaibigan.

Ang pag-uusapan naman natin ngayon ay tungkol sa pag-aabot ng bayad sa jeep. Sadyang nakasanayan na at talagang kasama na sa pagsakay ang pag-abot ng pamasahe sa driver. Hindi na bago ito sa ating mga Pilipino (maliban na lang kung sanggol ka at sasakay kang mag-isa sa jeep). Napakadali nitong gawin at nakakatuwa din dahil nagpapasalamat (masarap sa pakiramdam kapag naririnig ito galing sa ibang tao) sila kapag inaabot mo ang bayad nila. 

So ano nanaman ang pinag-iinit ng ulo ko? Dahil sa Isang insidente na nakapagpahaba nanaman ng ating kwentong jeepney.


Imagine na lang natin na hindi tayo pinapansin ni kuya
photo credit: Mikel Parial via photopin cc
Unang una, si Mr/Ms. imbisibol everyone sa jeep. Makikisuyo ka ng bayad sa jeep at aaktong nagtetext (kahit nakatitig lang sa screen na blanko ng kanilang cellphone) o aaktong nagsosoundtrip (siya ay malayong kamag-anak ni Totoy speaker na tinalakay natin sa dating kong post). Hindi ko alam kung anong dahilan at ayaw nilang kunin at iabot ang pamasaheng pinipilit mong ibigay sa driver para di ka napagkamalang nag 1-1-2-3 (isang slang na gamit ng mga Pilipino tungkol sa sasakay at hindi magbabayad ng pasahe).

Hindi ka ba nila nakikita? Bingi ba sila? Sobrang taas ba ng estado nila sa buhay kaya ayaw nilang iabot ang pamasahe sa driver? Mabaho pa ang hininga ko? May dumi ba ang mukha ko? O sadyang nastar-struck sila sa akin? Bakit bilog ang mundo? at paano magdilim ng paningin ang mga singkit?

Dumako naman tayo sa solusyon na pwedeng gawin natin sa mga taong ganito:

1. Try natin silang kalabitin at pakiusapan ng maayos (ulit). Baka naman di lang narinig at kelangan may please.
2. Kapag ayaw talaga tumingin ay sumigaw ka ng malakas (kahit Sh*t lang). Pag tumingin sya ay tsaka ka magpaabot ng bayad, pag hindi tumingin e dedma ka na lang din.
3. Pitikin mo ang tenga, pag nagalit ay sabihing may gagamba sa tenga nila at kung pwede ay pakiabot naman ng bayad.
4. Ihampas mo yung ulo sa bakal ng jeep, konting pabor lang di magawa, e !*(#&* !#&*!^&# naman pala nun e. 
5. Kaw na lang mag-abot, exercise din yan.

Ang dami talagang mga taong hindi naturuan ng magulang ng tamang asal. Oh well. That's life.


Salamat Again! Sa uulitin V(^_^)V

Monday 2 September 2013

kwentong Maarte

Unang Yugto

At biglang nabuhay ulit ang aking blog, Day-Off kasi kapag sabado at linggo at kelangan hanapin ang sarili.

Pag-uusapan naman natin ngayon ay ang mga taong sobrang "Fragile", at sobrang nipis ng balat.


Makapaglagay lang ng picture, pers taym e
photo credit: Postsumptio via photopin cc
Minsan, may nabangga akong "Bag" (as in bag lang na bitbit nung babae). Bigla syang nagsabi ng "Aray, Ano ba yan". Bigla akong napaWTF sa isip ko. Hindi ko alam ang irereact at alam ko at ramdam na ramdam ko na bag lang ang tinamaan ng kutis kong si Vicki Belo lang ang nahawak. Kagulat-gulat naman kasi ang nangyari kasi bag lang ang tinamaan ng aking siko. 

Napaisip tuloy ako kung konektado na ang bag sa kanyang Nervous System at nararamdaman nya lahat ng nangyayari dito  o hindi pala bag yung bitbit nya at balat nya talaga yun at isa syang Cyborg sa future na pinrogram lang na maging maarte at pinabalik sa oras ngayon upang pahabain ang akin pasensya at mailigtas ang sangkatauhan sa kaartehan ng mga taong pinanganak at ipapanganak pa lang. Di pa dito nagtatapos ang nakakaasar na kaartehan at kanipisan ng 
ibang tao.


Jeep ito
photo credit: Bradley Schroeder via photopin cc 
Minsan naman ay nakasakay ako sa jeep (pero di na to kwentong jeep). Habang pababa ang isang babae ay bigla kong nadikitan ng bahagya ang kanyang braso (as in sobrang daplis lang), tapos biglang sigaw sya ng araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay (lagyan ng tonong maarte). Ako ay nagulat kasi hindi ko alam kung sobrang sakit talaga ng daplis na yun o talagang sobang nipis lang ng balat nya (pero ang hula ko talaga ay nasaktan sya sa init ko dahil i'm so hot). Pagkatapos ay 
tinitigan nya ako ng matagal na para bang gusto nyang pasabugin ang utak ko. (Psychic in training sya kaya medyo nahilo lang ako). Nagsori naman ako dahil napakabait kong tao, pero tinitigan nya ako hanggang lumayo ang jeep at mistulang tuldok na lang sya sa aking paningin. 

Ako ay naalarma kasi sobrang nasaktan sya sa pangyayaring iyon, paano na kung nauntog sya? Luluha ba sya ng dugo kung nangyari yun? Tititigan nya rin ba yung kisame ng matagal hanggang anayin at masira? Sana naman ay gumaling na sya sa karamdaman nya at mahirap sya madikitan. Paano na kung may asawa sya? Yayakapin sya tapos biglang siyang masasaktan, tapos tititigan nya rin ang kanyang kabiyak dahil sa karumal dumal na ginawa nito sa kanya.


Mahirap talaga kapag napasok na sa isip ng tao na siya ay isang babae at dapat siyang tratuhin na parang isang porselanang dapat alagaan ng mabuti. Tandaan, ang kaartehan ay kapatid ng malalandi at lapitin ng serial killers na nababadtrip sa taglay nilang katangian. 


Salamat uli sa at sa uulitin! Naway may natutunan kayong kung anu man sa ating tinalakay ngayon.


Salamat sa nagbabasa,

Nagmamahal Pol

Friday 30 August 2013

Kwentong Sinehan



Sa wakas, ibang lugar naman ang mapag-uusapan natin! Sinehan naman ngayon ang tatalakayin natin aking mga mambababasa. Dito tayo nagpapalipas oras upang manood ng isang palabas na babayaran natin sa halagang 150-500 pesos (depedende sa lugar at kung 3d pa). Sa iba ito ay mahal, sa iba naman ay barya lang kapalit ng saglit na kasiyahan (o minsan ay kalungkutan, katatakutan etc.) na nais maranasan.

So ano naman ang irereklamo ko ngayon? Sinehan lang naman yun, madilim, di napapansin ang mga kasamang tao at masarap magpahinga dahil malamig at malambot ang upuan.

PERO may mga tao pa rin na HINDI naturuan ng magandang asal o sadyang lumaki lang talagang hindi masyadong nagana ang isip. (Bakit sa sinehan kayo pumasok, dapat sa mental). Ano ba ang ikinagagalit ko? E kasi naman may mga taong kailangan pang I-Comment, I-Announce o SABIHIN pa ang mga nangyayari ng malakas sa pinanonood na palabas.

Example kamo? Ganito. Nanonood kami ng horror ng aking kasintahan (torooooooooooy kasintahan). Nasa likod ang Multo ng bida, sabay biglang may taong nagsalita sa harap na "AYAN NA SYA! SA LIKOD MO!". Sa akin ay ok lang naman ito, subalit sinundan pa ng "PALAPIT NA SYA! AYAN NA!". At nung nakita na ng bida ay "SABI SAYO SA LIKOD MO E!", At dun naubos ang aking pasensya! Tumayo ako, kinuhan ang iniinom na softdrinks at popcorn at binuhos sa kanya lahat pati na ang sama ng loob ko!, pero joke lang yun at di ko magagawa yun dahil gulo talaga yun.

Hindi ko na lang maintidihan kung bakit kailangang Picture by picture ang pagbigay nya ng komento sa palabas, Nag-aasam ba syang maging reporter? Nagpapraktis magsalita para sa thesis? Gusto nyang maging listo ang isip at sumali sa fliptop? O noong bata sya'y nadapa sya at nauntog sa isang bakal na poste habang naapakan ang kanyang ulo ng bulag sa gilid ng kalsada at dahil dito'y ,medyo nagkaroon sya ng sakit sa pag-iisip?
Anuman ang dahilan ay nakakaasar ito kapag naging paulit-ulit na ginagawa sa loob ng 1 hanggang 2 oras sa sinehan. Pero hindi pa nagtatapos ang aking pagrereklamo dito. May isa pa akong napansin.

BAKIT NYA KINAKAUSAP YUNG TAO SA PALABAS? Hindi ka naririnig nyan! Bakit mo sya pilit na winawarningan? May kapangyarihan ka ba na maari kang marinig ng tao sa ibang dimensyon? Mababago mo ba ang storya at maliligtas lahat ng karakter sa palabas? O sadyang kelangan nyang makuha ang atensyon ko na kahit madilim ay nakinang ang aking "CHARM"? O dahil nanaman ito sa nangyari sa kanya nung kabataan nya nung nadapa sya at nauntog sa isang bakal na poste habang naapakan ang kanyang ulo ng bulag sa gilid ng kalsada at dahil dito'y ,medyo nagkaroon sya ng sakit sa pag-iisip? (uyyy binasa ulet yung nangyari nung bata). Mahirap Solusyunan ito dahil hindi pa ako sanay makipag-usap sa may kapansanan sa isip (maliban sa sarili ko).

At dito nagtatapos (pansamantala) ang aking kwento.

Salamat sa nagbabasa,
Nagmamahal Pol

Thursday 29 August 2013

Kwentong Jeepney (Pagtiisan nyo na matatapos rin to)

Ikaapat na Yugto

Ang sinasaad naman ng kwento natin ngayon ay tungkol sa mga taong trip na trip magkwentuhan ng malakas na parang wala silang kasamang iba! Kahit ang soundtrip kong si Michael Buble ay hindi ako maisasalba sa ganitong sitwasyon eh.

Hindi ko maintindihan kung bakit sila ganun.. Matagal ba silang hindi nagkita? Pareho ba silang hindi naglilinis ng tenga (o walang pambili ng kahit palito lang ng posporo panungkit ng mga tutuli nila)? o di kaya'y nainlove lang sila sa akin at nacharm sa kakaibang alindog ko at nagpapapansin sila sakin?
Kahit anu man ang dahilan ay masyado silang nakakaabala at nakaperwisyo ng mga tao sa paligid nila.

Iniisip ko din ang solusyon na dapat gawin dito sa pangyayaring ito (Mukhang nag-eenjoy ako maglagay ng mga dapat gawin natin eh).

1. Sisigaw ako ng HOLDAP sa loob ng sasakyan sabay ngiti at sasabihing joke lang :D (e baka makonyatan ako)
2. Gagawin ko ang isa sa pinakaayaw kong ginagawa sa JEEP! Magpapatugtog ako tapos sasabayan ko ng kanta, ewan ko na lang kung di sila manahimik nun
3. Makikisali ako sa usapan, tutal trip nilang iparinig sa lahat at baka kelangan nila ng karagdagang impormasyon na "Ang mundo ay parang isang malaking Quiapo…maraming snatcher, maagawan ka! Lumaban ka!" na "Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao!”. 
4. Isisi ko na lang lahat kay Napoles, kung hindi dahil kasi sa kanya di mananakaw ang tax na pinaghirapang itrabaho ng taong bayan at sana nakagawa na ng proyekto ang gobyerno natin na magbigay ng earphones (na malakas talaga ang sounds) sa lahat ng mamamayang Pilipino para hindi marinig ang mga taong walang paki sa paligid nila.

Ewan ko ba, alam kong minsan mababaw ang mainis sa ganitong bagay pero may tinatawag kasi tayong "Hiya" at "Pakikisama" sa mga taong hindi natin kilala Yan ang hirap kasi ngayon, hindi sila nakikinig sa mga mabuting asal na tinuro ng kanilang guro sa paaralan, (puro na lang tingin sa mga taong kanilang iniidolo (crush sa wikang ingles... ATA) na hindi naman nila makukuha (try mong piktyuran mas tatagal yan).

At dito nagtatapos ang aking paglalabas ng sama ng loob. Naway mabasa ng karamihan ito at malaman ang tamang panuntunan na ginagawa habang nakasakay sa pampublikong sasakyan (na ako lang ang nakakaalam).

salamat sa nagbabasa,
Nagmamahal Pol

Wednesday 28 August 2013

Intermission! Ngayong 8/28/13

Bukas na po ako mag uupdate ng mga isusulat na mga sama ng loob ko ah! hehe. Maaga akong magpapahinga ngayon para lumaki akong malusog at malakas. Salamat po sa pagtangkilik sa aking Blog! bye2 muna ^_^

Kwentong Jeepney Pa Rin Po

Ikatlong Yugto

Pasensya na at marami talagang nararanasan kapag nakasakay sa jeep, hayaan nyo at 1 o 2 yugto na lang at tapos na ang kwentong jeep na ito(sana).

Ang ating tatalakayin ngayon ay ang tungkol sa mga babaeng sobrang feel na feel ang hangin at gustong muhkang music video ata ang kanilang itsura. Bakit kamo? Aba, eh alam nang malakas ang hangin tapos hindi pa hahawakan ang buhok, hahayaan lang na "lumipad" ito at hindi na iisipin kung may tatamaan na katabi.

Ginagawa ba nila ito dahil sa gusto lang nila? Dahil bagong rebond? O baka naman ay may hidden camera at may shooting ng PALMOLIVE na shampoo? O baka naman isa itong training ng isang Organisasyon para mahasa ang aking galing sa pag-amoy ng buhok at tukuyin kung anong shampoo o sabon ang ginamit ng babaeng ito?

Kahit anuman ang dahilan ng pangyayaring ito ay dapat naman sana ay malaman nila na hindi nagpapraktis ang mga taong huminga ng may nakatakip na buhok sa harap nila. Nag-isip na ako ng ibang mga solusyon sa bagay na ito. Tulad ng:

1. Magdadala ako ng gunting at bibigyan ko sila ng libreng haircut! Pero baka kasi sabihin na Serial killer ako (ang weird kaya bumyahe ng may bitbit na gunting).
2. Bibili ako ng Sanrio o ng mga gomang pantali ng buhok! (Mag aaktong bading na lang ako kasi weird din na kalalaki kong tao tapos nagdadala ako nun)
3. Aatras o lilipat na lang ako ng upuan! (pero di ko kayang gawin to, medyo awkward kasi baka sabihin ng katabi ko na kaya ako lumipat ay dahil mabaho sya)
4. Magdala ng tinapay, ketchup, mayonnaise at mustard tapos ipalaman ang buhok na pilit pinapakain ng katabi mong nagpapraktis sumali sa shampoo commercial.

Anu man ang solusyon na mapili natin ay isa lang ang aking masasabi, Isa nanaman itong pagsubok at pagsasanay upang humaba ang pasensya natin sa mga taong walaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang pakialam sa paligid nila.. Hay ang sarap maglabas ng sama ng loob. Salamat uli sa pagbasa! Hanggang sa muli! (balik ka ah, pweeeeeeaaaaseeeeeeeeee).
salamat sa nagbabasa,
Nagmamahal Pol

Tuesday 27 August 2013

Kwentong Jeepney nanaman

Ikalawang Yugto

Aba! Salamat kung ito ay ang pagbabalik mo at medyo trip mong basahin ang Blog na ito, at kung ito naman ang unang beses mong pagbsita, Hello There! hehe Ngayon ay pag-uusapan naman natin ang isa pang nakakainis na naranasan ng karamihan satin sa pambansang sasakyan na tatawagin na lang nating JEEP.

Ang ikalawang parte ng ating pag-iinitan ng ulo ay ang mga taong sa SOBRANG GANDA NG SPEAKER NG CELLPHONE ay ipaparinig sa atin ang napakagandang sountrip o tugtog na nakaplay sa kanilang MOBILE DEVICE (yun ata ang isa pang tawag sa cellphone, ah basta!).

Mapa Hiphop, Metal o Love song man ang pinapatugtog nila ay bakit ayaw nilang mag-EARPHONE (Headset, headphone, o kung ano man ang trip na tawag mo di kita papakialaman at baka ako pa ang maging sanhi ng highbloodKahit gaano kaganda  mo).

Yun ba ay dahil maganda ang pinapatugtog nila at dapat ma-appreciate ng ibang tao? O astig lang ang datingan ng ganun? O isa yung bagong pamamaraan ng panlilimos sa mga tao na nagsasabing "PLEASE BIGYAN NYO AKO NG LIMOS, NAKIKIUSAP AKO, PARANG AWA NYO NA AT LAHAT NG PERA KO AY NASA PORK BARREL NA AT IBANG TAO NA ANG NAKINABANG NG PERANG DAPAT ILALAAN KO PAMBILI NG EARPHONE".

Di dito nagtatapos ang ating kwento. Minsan naman may kagandahan talaga ang pinatugtog nung mokong na nakasabay ko sa jeep. Ang maskuladong lalaking nasasaad sa ating kasulatan ay biglang nagpatugtog ng love song, (Dreaming of You, ahhhhhhhhhhhh, ang sweeeeeet). Natuwa naman ako at alam ko at medyo inlove mode ako nun, tapos biglang may kakaibang naramdaman ang aking katawan, kinilig ito ng onti at sinabi ng isip ko, "Kantahin mo na, wag ka ng mahiya, umiibig ka naman e". Dito ko na-realize ang nakakainis pang parte ng aking DILEMMA (sana naman tama ang paggamit ko ng word na ito), GUSTO KO KUMANTA! Pero baka sabihin naman nung nagpapatugtog ay feeling close ako, o kaya naman ay SANA sabayan nya ako sa aking paglalabas ng damdamin sa pamamaraan ng pagkanta. Sadyang naguluhan ako at bigla kong narealize na may sarili akong earphone! Bakit ko pagdurusahan ang sitwasyong ito! E may sarili akong Musika na nakalagay sa aking cellphone!

Ito ang ginagawa ko kapag may kinaiinisan ako o ayaw akong madinig na ingay. Maraming salamat sayo Michael Buble sa pagliligtas sa akin at sa paggawa ng mga kantang aking pinakikinggan.

at dito nagtatapos ang isa nanamang yugto ng aking pagrereklamo.
salamat sa nagbabasa,
Nagmamahal Pol

Kwentong Jeepney

Unang Yugto


Hi sa iyong nagbabasa nitong blog kong bagong bago at tungkol sa walang katapusang pakikipaglaban ko sa pagtaas ng aking dugo sa mga bagay na "di tama" sa paningin kong napaka-PERFECTIONIST (tama man o ndi ang term ko e bahala na).

Ang ilalahad ko ngayon ay tungkol sa mga taong walang kamalaymalay (o sadyang makapal lang talaga ang mukha) na ginagawa ito sa Jeep na sinasakyan natin araw-araw.

Isipin natin, tayo ay nagbabayad kadalasan ng 8 Pesos na pamasahe (minimum fare, at kung di mo alam ito ay sige ikaw na ang mayaman at nagtataxi papunta sa kanto ninyo), tapos may makakatabi na magbabayad din ng 8 pesos (astig ni manong dami pasahero), tapos bigla syang uupong pa-side view at sasandalan ka pa.
Aba! kay sarap naman at feel at home itong taong ito, e dapat nagdala na rin sya ng mesa para tuntungan ng paa nya sa jeep (ano yun sofa mo lang sa bahay haaa?). Ang mahirap dyan e ayaw mo magsungit at baka mapaaway ka sa loob ng sasakyan, nakakahiya naman sa mga tao diba, ayun tuloy ang gagawin na lang ay
aatras ka (kung maluwag ang sasakyan) o titiisin na lang ang katabi mong ginto ata ang 8 pesos na binayad at dapat mas malaki ang sakop nyang upuan kesa sayo..

Diba nakakahighblood mga pre? at mre? (di ko lam sa babae eh, mre nga ata)
salamat sa nagbabasa,
Nagmamahal Pol


Hi People!!!

Good day sayo na nagbabasa nitong bagong bago kong blog! hehe.. Dito natin (pero ako lang talaga, pero pwede kayo magsuggest) ilalagay ang mga pangyayaring "nakakaasar, nakakbadtrip o nakakapanira ng araw.. Masarap kaya maglabas ng sama ng loob.. hehe