Thursday 29 August 2013

Kwentong Jeepney (Pagtiisan nyo na matatapos rin to)

Ikaapat na Yugto

Ang sinasaad naman ng kwento natin ngayon ay tungkol sa mga taong trip na trip magkwentuhan ng malakas na parang wala silang kasamang iba! Kahit ang soundtrip kong si Michael Buble ay hindi ako maisasalba sa ganitong sitwasyon eh.

Hindi ko maintindihan kung bakit sila ganun.. Matagal ba silang hindi nagkita? Pareho ba silang hindi naglilinis ng tenga (o walang pambili ng kahit palito lang ng posporo panungkit ng mga tutuli nila)? o di kaya'y nainlove lang sila sa akin at nacharm sa kakaibang alindog ko at nagpapapansin sila sakin?
Kahit anu man ang dahilan ay masyado silang nakakaabala at nakaperwisyo ng mga tao sa paligid nila.

Iniisip ko din ang solusyon na dapat gawin dito sa pangyayaring ito (Mukhang nag-eenjoy ako maglagay ng mga dapat gawin natin eh).

1. Sisigaw ako ng HOLDAP sa loob ng sasakyan sabay ngiti at sasabihing joke lang :D (e baka makonyatan ako)
2. Gagawin ko ang isa sa pinakaayaw kong ginagawa sa JEEP! Magpapatugtog ako tapos sasabayan ko ng kanta, ewan ko na lang kung di sila manahimik nun
3. Makikisali ako sa usapan, tutal trip nilang iparinig sa lahat at baka kelangan nila ng karagdagang impormasyon na "Ang mundo ay parang isang malaking Quiapo…maraming snatcher, maagawan ka! Lumaban ka!" na "Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao!”. 
4. Isisi ko na lang lahat kay Napoles, kung hindi dahil kasi sa kanya di mananakaw ang tax na pinaghirapang itrabaho ng taong bayan at sana nakagawa na ng proyekto ang gobyerno natin na magbigay ng earphones (na malakas talaga ang sounds) sa lahat ng mamamayang Pilipino para hindi marinig ang mga taong walang paki sa paligid nila.

Ewan ko ba, alam kong minsan mababaw ang mainis sa ganitong bagay pero may tinatawag kasi tayong "Hiya" at "Pakikisama" sa mga taong hindi natin kilala Yan ang hirap kasi ngayon, hindi sila nakikinig sa mga mabuting asal na tinuro ng kanilang guro sa paaralan, (puro na lang tingin sa mga taong kanilang iniidolo (crush sa wikang ingles... ATA) na hindi naman nila makukuha (try mong piktyuran mas tatagal yan).

At dito nagtatapos ang aking paglalabas ng sama ng loob. Naway mabasa ng karamihan ito at malaman ang tamang panuntunan na ginagawa habang nakasakay sa pampublikong sasakyan (na ako lang ang nakakaalam).

salamat sa nagbabasa,
Nagmamahal Pol

No comments:

Post a Comment